^

Punto Mo

94-anyos na lolo, ‘pinakamatandang bus driver’ sa buong mundo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 94-anyos na lalaki sa Minnesota, USA ang nakapagtala ng world record sa pagiging pinakamatandang driver ng bus sa buong mundo.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Jim Oppegard ang kasalukuyang may hawak ng world record sa titulong “World’s Oldest Bus Driver” dahil sa kanyang edad na 94.

Nagsimulang magmaneho ng bus si Oppegard noong siya ay 45 years old. Nagretiro siya sa edad na 65 pero hindi nagtagal ang kanyang retirement at bumalik siya sa pagiging bus driver dahil naiinip siya sa bahay.

Dahil sa kanyang edad, kailangan niyang ipasa ang taunang physical exam. Ayon sa employer ni Oppegard na Northstar Bus Lines, humahanga sila sa malusog na pangangatawan nito.

Sa kasalukuyan, nagmamaneho si Oppegard ng school bus at ang kinikita ay ipinadadala niya sa Christian ministry na itinayo ng kanyang anak sa Africa.

vuukle comment

DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with