^

Punto Mo

Maid of Honor (185)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG kumakain sila ng lunch ay patuloy ang kanilang pagkukuwentuhan.

“Nag-iisa ka nga bang anak, Ram?’’ tanong ni Ate Bianca.

“Opo Ate. Anak po ako sa pagkadalaga ni Mommy. May ibang pamilya po si Daddy. Si Mommy po ang nag-iisang nagpalaki sa akin.’’

“Nakakahanga naman ang mommy mo.’’

“Ikinuwento ko po yan kay Yana. Si Mommy po ay dating nagtatrabaho sa isang malaking airline company. Nag-early retirement siya dahil nagkasakit. Ako nga po ang nagbantay sa kanya.’’

“Ah kaya matagal kang absent sa klase?’’

“Opo.’’

“Okey na siya ngayon?’’

“Okey na po siya.’’

“Ipaabot mo ang pangu­ngumusta ko sa kanya, Ram.’’

“Makakarating po Ate.’’

Iniabot ni Bianca ang ulam kay Ram.

“Kumain ka pa. Tikman mo itong kulawu na iniluto ko. Inihaw na talong yan na may coco milk, ­vinegar at tinadtad na sibuyas.’’

Kumuha si Ram. Tinikman.

“Masarap nga Ate. Saan po nag-originate itong putaheng ito?”

“Sa Nagcarlan, Laguna. Tagaroon ang nanay ko. Namana ko sa kanya ang pagluluto niyan.’’

“Magugustuhan ni Mommy ang putaheng ito. Mahilig siya sa mga luto na may gata.’’

“Talaga? Hayaan mo at ipagluluto ko siya.’’

“Salamat Ate. Matutuwa si Mommy.’’

Makaraan ang ilang oras, nagpaalam na si Ram.

“Maraming salamat Ate Bianca, Yana sa mainit n’yong pagtanggap sa akin.’’

“Mag-ingat ka Ram,’’ sabi ni Yana.

“Bumalik ka ulit, Ram,’’ sabi ni Bianca.

Umalis na si Ram.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with