^

Punto Mo

Lalaki na 3 araw naglaro ng video games, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 24-anyos na lalaki sa Nigeria ang nakapagtala ng world record matapos siyang maglaro ng video games sa loob ng tatlong araw.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Oside Oluwole o mas kilala sa alyas na “Khoded” ang pinakabagong world record holder ng titulong “Longest Videogame Marathon Playing a Soccer Game”. Ito ay matapos siyang maglaro ng video game na Dream League Soccer 2023 sa loob ng tatlong araw.

Upang hindi makasama sa kanyang kalusugan, pinahintulutan ng Guinness si Oside na magkaroon ng limang minutong break sa bawat isang oras na paglalaro ng video game. Maaari niyang ipunin ang break time para gamitin ito sa pag-idlip at pagpunta sa comfort room.

Si Oside ay qualified biochemist pero nagtatrabaho siya ngayon bilang car dealer. Ginawa niya ang record attempt na ito upang makakalap siya ng donasyon para sa ospital sa kanyang bayan sa Ijebu Ode, southwestern Nigeria.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with