^

Punto Mo

‘Ballpen’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 2)

NAKATAPOS ako ng Business Management sa kolehiyo. Nagtrabaho ako ng isang taon sa isang kompanya sa Makati at makaraan iyon ay ipinasya kong mag-Saudi. Natanggap akong secretary sa isang malaking kompanya sa Riyadh. Malaki ang suweldo ko.

Maski nang nasa Riyadh na ako ay dala-dala ko pa rin ang pagiging pen lover o  stylophile.

Palibhasa ay malaki ang aking suweldo, nabibili ko ang mga nakukursunadahang ballpen na itinitinda sa malalaking mall.

Mas maraming pagpipiliang ballpen kaya enjoy na enjoy ako. Karamihan, mga sikat na brand ng ballpen ang nabibili ko.

Hanggang may nakapagsabi sa akin na marami ring second hand na ballpen na itinitinda sa isang lugar sa Riyadh. Ayon sa nagkuwento sa akin, kahit segunda mano ay okey pa rin daw. Pawang imported na pinagsawaan ng may-ari.

Isang araw, sinadya ko ang lugar na ang tawag ay Manfouha. (Itutuloy)

BALLPEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with