3 simpleng paraan para sa maayos na kalusugan

TATLONG unibersidad ang nagsaliksik kung paano makakaiwas sa kanser at mapapahaba ang buhay ng tao. Narito ang resulta ng kanilang  pagsasaliksik:

33 percent…

Ang mababawas na tsansa na kapitan ng breast kanser ang isang moderately fit woman kung maglalakad siya ng kalahating oras araw-araw bilang exercise. Ito ang natuklasan ng University of South Carolina sa kanilang tatlong dekadang pagsasaliksik hinggil sa koneksiyon ng exercise sa breast cancer.

32 percent…

Ang mababawas na tsansa na mamatay nang maaga ang isang lalaki kung siya ay physically active. Three hours of sports or heavy gardening per week ay sapat na para manatiling active ang katawan. Ito naman ang natuklasan ng Sweden’s Uppsala University sa kanilang 35-year study.

3.5 kilograms…

Ang mababawas na timbang kada anim na buwan, kahit walang exercise, kung babawasan ang pag-inom ng softdrinks at fruit-drinks. Napag-alaman ng mga researchers sa John Hopkins University na kahit isang serving lang ng softdrink o fruit drink kada araw ang babawasin  ay malaki na ang magagawa para mabawasan ang calories na ikinakarga sa katawan.

Show comments