Loose firearms, dapat nang matutukan
DAPAT yata ngayon pa lang matutukan na ng Philippine National Police (PNP) ang paghabol sa mga loose firearms lalo pa nga’t nalalapit na ang halalan.
Kapansin-pansin kasi ngayon ang sunud-sunod na pagpatay na nagaganap sa mga lansangan partikular sa Metro Manila.
Mukhang kulang pa ng ipinatutupad na police visibility ng ating kapulisan.
Aba’y kung bakit, aminin mo o hindi eh kabi-kabila talaga ang nagaganap na krimen.
Halos araw-araw makakabalita ka nang pagpaslang.
Kung ngayon pa lang medyo matindi na ang ganitong krimen aba’y asahan na tataas pa ‘yan bago at mismong sa araw ng eleksyon.
Kadalasang nagagamit ang mga loose firearms ng mga private armies ng ilang pulitiko na siyang nagsasanhi ng mga karahasan.
Hindi lang pagpatay ang mistulang tumataas maging insidente yata ng holdap laganap na rin.
Nagpalabas na ang PNP ng mas maraming personnel sa kalye, baka kulang pa o baka naman nasa labas lang walang mga aksyon o mahigpit na pagbabantay na ginagawa.
Mas lalong kailngan ng mahigpit na pagbabantay, lalo at malapit na rin ng pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.
- Latest