‘Baul’

(Part 1)

ANG karanasang kong ito ay may kaugnayan sa antigong baul na pinamana ng aking Lola Angela kay Nanay. Ang baul ay may isang metro ang haba at kalahating metro ang laki. Gawa sa makintab at maitim na kahoy ang baul.

Sabi ni Nanay, nakagisnan na niya ang baul na lagayan ni Lola ng mga dami at alahas nito.

Bago namatay si Lola sinabi na raw sa iba pang mga anak na si Nanay ang magmamay-ari ng baul. Wala namang tutol ang iba pang kapatid ni Nanay. Limang magkakapatid sina Nanay at siya ang panganay.

Kaya nang mamatay si Lola Angela noong 1970, si Nanay na ang nagmay-ari ng baul.

Kahit na namatay na si Lola, hindi pa rin inaalis ni Nanay ang mga lumang damit ni Lola sa baul. Sabi ni Nanay, gusto raw niya na laging nakikita at naaamoy ang mga damit ni Lola. Kaya nanatili sa baul ang mga damit ni Lola.

Hanggang sa mayron akong naramdamang kakaiba kapag nag-iisa sa kuwarto na kinaroroonan ng baul.

(Itutuloy)

Show comments