Lalaki na lumangoy sa nagyeyelong ilog, nakatanggap ng Guinness World Record!

NAKAPAGTALA ng dalawang world record ang isang 52-anyos na veteran freediver mula Switzerland matapos lumangoy sa nagyeyelong ilog sa Austria!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Peter Colat ang pinakabagong record holder ng titulong “Longest Swim Under Ice With Breath Held” matapos itong makalangoy ng may layong 106.25 meters sa Vilsalpsee lake sa Tannheim, Austria.

Si Colat ay isa sa kilalang freediver sa Europe at naka­panalo na ng 16 Swiss championships at limang international freediving competition.

Bukod sa natanggap niyang titulo, record holder din siya ng titulong “Longest Time Breath Held Underwater” sa record na 23 minutes and 33 seconds.

Show comments