Ngumuya ng chewing gum kapag nagre-review para sa exam. Ngumuya muli ng chewing gum (same flavor) habang nag-e-exam upang matandaan ang mga bagay na pinag-aralan mo ng nagdaang gabi.
Nakakatanggal ng sinok ang pagkain ng isang kutsaritang asukal saka sundan ng pag-inom ng tubig.
Kung sinusumpong ng vertigo, titigil ang pagkahilo kung sabay mong hihilutin ang likod ng dalawa mong tenga mula ibaba paitaas gamit ang hinlalaki. Bahagyang diinan ang paghilot. Gawin ito habang nakaupo at nakasandal ang likod.
Nakakabawas ng sore throat kung iinom ng maligamgam na tubig na hinaluan ng honey.
Ang pagkain sa maliit na plato ang nag-iimpluwensiya kung gaano karami ang iyong kakainin. Nakakabawas ito ng 20 percent calorie intake.
Kung wala kang kaibigan na mapagkakatiwalaan, isulat ang mga problemang gumugulo sa iyong isipan. Nakakabawas ito ng day-to-day stress. Mas marami ang taong natutuwa kapag may problema ka kaysa nalulungkot at may tsansa pang itsismis ka.
Itigil ang pag-inom ng inuming may caffeine (kape, soda, energy drinks) pagsapit ng 2 PM hanggang gabi. Ang caffeine ay matagal matunaw kaya kung iinom sa hapon, malamang na tatalab ito pagsapit ng gabi at mahihirapang antukin hanggang sa oras ng pagtulog.
Tapikin ang noo gamit ang dulo ng mga daliri sa loob ng 30 seconds upang mabawasan ang “cravings” sa matatamis.
Kuskusin ng yelo ang pagitan ng hinlalaki at hintuturo upang matanggal ang pananakit ng ulo.