ANG sunod na karanasan ko kidlat ay nakakatakot at akala ko, mamamatay na ako, Nasa huling taon ako sa high school. Malapit ang aming building sa mga niyog na nasa kabilang bakod.
Biglang sumama noon ang panahon. Kumulimlim at nagsalimbayan ang kidlat na sinusundan ng kulog. Natatanaw ko sa labas ang gumuguhit na kidlat. Takot na takot ako. Kahit nakapikit ako, nakikita ko ang spark ng kidlat na parang flash ng camera.
Hanggang sa biglang may lumagabong sa labas ng aming building. Nakakatulig. Halos mabingi ako. Nagtakbuhan kami sapagkat may usok. Yun pala tinamaan ng kidlat ang punong niyog sa tabi ng aming building. Kinansela ang pasok dahil dun.
Ang sunod na karanasan ko sa kidlat ay nakakatakot at nakakatawa.
Nasa huling taon ako sa kolehiyo. Biglang sumama ang panahon. Matatalim ang kidlat. Nakapikit ako.
Nang hindi ko na mapigilan ang takot, lakas loob akong sumiksik sa upuan ng aking classmate na lalaki. Napaupo ako sa kandungan niya. Tinapangan ko na ang sarili at ang mukha dahil sa takot sa kidlat. Hindi naman ako hiniya ng aking classmate na lalaki na ang name ay Roger.
Nang matapos ang pagkidlat, inulan kami ni Roger ng biro mula sa klase.
Si Roger ang naging husband ko. Napakabait. Salamat sa kidlat.