Good luck tips
June 8, 2024 | 12:00am
- Batiin kaagad ng Happy Birthday ang may kaarawan sa umaga upang datnan ng magandang kapalaran ang may kaarawan at ang bumabati.
- Ang jade plant ay inilalagay sa Southeast corner ng bahay upang magdala ito ng kasaganaan.
- Magdispley ng litrato ng green parrot sa east direction ng iyong shop o tindahan upang suwertehin ang negosyo. Kung nasa online business naman, gamitin mo itong desktop/laptop/mobile wallpaper.
- Good luck magsuot ng red dress sa araw ng Martes.
- Puti naman ang isuot kapag Lunes. Huwag magsusuot ng black clothes and shoes sa nabanggit na araw.
- Maglagay ng isang pirasong star anise sa iyong bag or wallet para sa magandang kapalaran.
- Iwasang pagtapatin ang dalawang mirror sa bahay. Nagreresulta ito ng mainiting ulo ng mga residente.
- Huwag mag-iiwan ng mga hugasing pinggan sa gabi. Ang resulta ay kagipitan sa pera at maraming utang. Maglinis ng kusina bago matulog.
- Magandang mag-displey ng red elephant figurine na ang tusk ay nakataas. Idispley ito sa south direction para sa kasikatan, kasaganaan at tagumpay.
- Tanggalin ang mga luma/expired/tira-tirang pagkain sa refrigerator. Lumilikha ito ng hindi magandang energy na makaaapekto sa inyong health at well-being.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended