^

Punto Mo

Tag-ulan paghandaan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MUKHANG may dapat pang pagkaabalahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang local government units (LGUs), ngayong pormal nang  idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Ayon nga sa PAGASA, mataas na tsansa ng pagpasok ng  La Niña  sa Hulyo, Agosto at Setyembre na sa pagkakataong ito ay  inaasahan ang mas maraming ulan kaysa sa normal na nararanasang pag-ulan sa panahon ng rainy season hanggang sa pagtatapos ng taong 2024.

Kailangan na marahil na muling  malinis ang mga daluyan ng tubig, creek at ilog na nabarahan na ng sangkaterbang basura at nagsasanhi ng matinding pagbaha.

Hindi pa ito agad napapansin at malalaman na lang ang perwisyong dulot nito kapag nandyan na ang matinding pagbaha.

Kapansin-pansin din naman ang mga road repair na ginagawa sa iba’t ibang lugar.

Dapat din itong masilip baka lagpas na sa itinakdang deadline na dapat itong matapos.

Kadalasan natetengga ang mga paggawa, kasi kung makikita mo pa-easy-easy lang ang mga gumagawa,  habang malaking bahagi ng kalsada ang kanilang nasasakop, bukod pa sa mga gamit nilang basta na lamang nakahambalan sa daan.

Nagtatanong ang ating mga ka-Responde dahil may ilang lugar na kahuhukay pa lang umano huhukayin na uli.

Paulit-ulit na lang, pati pondo dito sayang.

Kapag bumuhos na ulan, baha pa rin.

Anong klaseng trabaho yan?

Kasi nga madalas na hindi naiinspeksyon nang nagpapagawa.

Ngayong pumasok na ang tag-ulan, sigurado maraming mga proyekto ang pwedeng isagawa na mangangailangan ng pondo.

Sana naman ay magamit sa tama ang ‘pera ni Juan dela Cruz’ at huwag masayang sa mga proyektong pampapogi lamang masabi lang na may ginawa.

vuukle comment

RAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with