Bata na eksperto na sa paggamit ng drone, nakatanggap ng Guinness World Record!

Isang Grade 3 student sa Indiana, U.S. ang nakapagtala ng world record dahil sa pagiging drone ­videographer sa batang edad!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na si Louisa Royer ang world record holder ng titulong “Youngest Drone Videographer (Female)” dahil isa na itong expert sa paggamit ng drone camera sa edad na 8 taon at 258 araw.

Madalas mag-travel abroad si Louisa kasama ang kanyang pamilya at habang nasa bakasyon, siya ang nag-o-operate ng drone camera ng kanyang magulang para idokumento ang kanilang pamamasyal.

Nakita ng teacher ni Louisa ang mga drone footages nito at nag-suggest ito na isumite at isali ang travel videos sa film festivals. Matapos ipadala sa iba’t ibang contests at film festivals, nakatanggap ng parangal si Louisa mula sa 2023 AZDroneFest International Film Festival at hinirang siyang “Best New Drone Pilot Award”.

Dahil sa natanggap na award, naging eligible si Louisa sa Guinness World Record para sa titulong pinakabatang drone videographer. Naisipan niyang mag-apply dahil nakita niya na ang previous record holder ay 13-anyos. Matapos matanggap ang Guinness, naging proud ang mga magulang at ang school ni Louisa sa kanyang bagong achievement.

Show comments