Zubiri biktima ng showbiz intrigues

NAGIBA ang liderato ni Senate President Migz Zubiri nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila ni Sen. Bong Revilla. Hindi pinayagan ni Zubiri na makilahok sa deliberasyon sa senado si Revilla sa pamamagitan ng on-line system dahil bagong opera ito sa paa.

Hindi naman daw comatose si Revilla para hindi makapagtrabaho sa Senado na naging dahilan ng pagresbak ng tropa ni “Alyas Pogi”.

Kampante si Zubiri na nasa panig niya ang majority sa senado at nakalimutan nito na maraming fans si “Alyas Pogi” at may bestfriend na “Alyas Sexy”.

Pinalitan si Zubiri ni Sen. Chiz Escudero, mister ni Heart Evangelista. O di ba?

Ilan sa kumampi kay Chiz na may anino ng showbiz: Senators Jinggoy Estrada, Robin Padilla, Lito Lapid, Imee Marcos, Grace Poe. Sina Cynthia at Mark Villar ay kapamilya ng artistang si Camille Villar. Ang saya-saya!

Kasali rin ang magkapatid na Senators Cycling Pia at Alan Peter Cayetano na pinasikat naman ng “Ten Thousand Promise”.

Naging crying kontrabida naman sa mata ng mga manonood si Sen. Bato dela Rosa nang magdrama ito matapos yakapin ang asawa ni Zubiri. Naipa-Raffy Tulfo In Action tuloy, ha-ha-ha!

Show comments