MANILA, Philippines — Pinapayagan nang tumanggap ng bisita ang modelong si Deniece Cornejo na nakakulong sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City matapos ma-convict sa kasong “serious illegal detention for ransom” na isinampa ng actor at TV host na si Vhong Navarro.
Si Cornejo ay kasalukuyan pang nasa kustodiya ng CIW-Reception and Diagnostic Center (RDC) hanggang sa matapos niya ang 60 araw.
Noong Mayo 2, 2024 nang ipasok sa CIW si Cornejo pagkatapos ng promulgasyon ng kaso ng Taguig Regional Trial Court Branch 153, kung saan siya nahatulan ng “reclusion perpetua” o hanggang 40 taong pagkabilanggo at makansela ang inilagak na piyansa.
Bukod kay Cornjeo, nahatulan rin “guilty beyond reasonable doubt” sa nasabing kaso at kapwa pinatawan ng “reclusion perpetua” ang mga kapwa akusado na sina Cedric Lee, Simeon Palma Raz Jr. at Ferdinand Guerrero.
Nabatid na nitong Mayo 16 ang ika-15 araw ni Cornejo sa RDC, na simula upang pahintulutan siyang mabisita.