Maid of Honor (122)

BIGLANG napasugod si Itay Nado nang marinig ang sigaw ni Inah. Nagpapakain at nagpapainom ng baka at kalabaw si Tatay Nado ng mga sandaling iyon.

“Bakit, anong nangyari?’”

“Si Inay, hindi makahinga! Anong gagawin natin, Itay?’’

“Huwag kang mataranta. Dadalhin natin sa ospital. Pupunta ako sa barangay. Makikiusap ako na makahiram ng ambu­lansiya.’’

“Opo Itay.’’

“Ihanda mo ang mga gamit ng Inay mo!’’

“Opo Itay!’’

Mabilis na tinungo ni Itay Nado ang tanggapan ng barangay na ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay.

Nagkataon na nakasalubong niya ang drayber ng ambulansiya na si Raul.

“Bakit ka nagmamadali Itay Nado?’’ tanong ni Raul.”

“Hindi makahinga si Inay Encar mo. Hihiram ako ng ambulansiya at isusugod namin ni Inah sa ospital.’’

“Sasamahan ko na ikaw Itay. Ako ang magdadrayb. Magpapaalam tayo kay Kap.’’

Nagpaalam sila sa barangay kapitan at pagkatapos ay isinugod na agad nila si Inay Encar sa ospital.

Iyak nang iyak si Inah habang ipinapasok sa ER ang kanyang inay.

“Diyos ko, iligtas mo si Inay!’’

“Huwag kang mag-aalala at makakaligtas ang inay mo.”

(Itutuloy)

Show comments