^

Punto Mo

Home remedies

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Black tea ang gamitin para sa sunburn. Ibabad ang 5 bags ng black tea sa 5 cups na pinakuluang tubig. Palamigin. Basain ng tsaa ang affected area. Ang tannins sa tsaa ang magtatanggal ng hapdi at magpapabilis ng paggaling ng sunburn.

2. Ang amoy ng mint leaves ay nakakatanggal ng pagod. Nakakatulong din ito para mag-focus sa isang nakaka-stress na trabaho.

3. Totoong ang pagkain ng chicken macaroni soup or chicken tinola ay nakakaginhawa ng pakiramdam kapag nagbabara ang ilong dulot ng malalang sipon. May anti inflammatory property ang nabanggit na pagkain  kaya pinalalabas agad nito ang mucus.

4. Ang pag-inom ng cranberry juice ay mainam na pampigil sa urinary tract infection.

5. Ang pagkain ng yogurt ay pumipigil naman para magkaroon ng vaginal yeast infection.

6. May mahapding singaw sa bibig? Paghaluin ang isang kutsarang Milk of Magnesia at isang kutsarang Benadryl. Ipahid sa singaw gamit ang cotton buds. Iwasang malunok ang mixture dahil nagpapamanhid ito ng lalamunan.

7. Isepilyo sa ngipin ang cider vinegar. Nakakaputi ito at pumapatay ng bacteria na sanhi ng bad breath.

8. Para matanggal ang stretch mark—araw-araw pahiran ang affected area ng pinaghalong vitamin E oil or cream at cocoa butter.

9. Pahiran ng olive oil ang gilagid ng sanggol kapag nagsisimula na itong tubuan ng ngipin. Nakakaginhawa ito sa nangangati niyang gilagid.

10. Para maging normal ang “flow” ng menstruation—kumain ng manibalang na papaya.

 

HOME REMEDIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with