Maid of Honor (104)

NAGPATULOY sila sa paglalakad sa madilim na pasilyo hanggang makarating sila sa isang hagdan na patungo sa basement.

“Dito tayo Kuya.’’

“Saan patungo yan, Inah?’’

“Sa basement Kuya. Dun ang labasan.’’

“Tayo na Kuya.’’

Nagmamadali silang bumaba sa basement. Bahagyang madilim pero naaaninag nila.

“Dun tayo Kuya sa kaliwang bahagi—nan­dun ang exit.’’

Mabilis silang nagtungo sa sinabi ni Inah.

Pagliko nila sa kaliwa, nakita nila ang labasan.

“Ligtas na tayo Kuya.’’

“Paglabas natin, tatawagan ko si Rocky.’’

Mabilis silang lumabas.

Nang nasa labas na sila, tumigil sila at tinawagan ni Honor si Rocky para ipaalam ang kinaroroo­nan nila.

Pero hindi sumasagot si Rocky.

(Itutuloy)

Show comments