• Mas creative ang mga tao sa gabi kaysa araw.
• Ang pamumuhay nang mag-isa sa matagal na panahon ay nakakasira ng kalusugan katumbas ng paninigarilyo ng 15 sticks sa isang araw.
• Likas na sa ugali ng karamihan na isisi sa ibang tao ang masamang nangyari sa kanya.
• Ayon sa isang pag-aaral tungkol sa behavior ng mga tao, mahinang kumilatis ng damdamin ng ibang tao ang mga taong mayayaman, maimpluwensiya at makapangyarihan.
• Weightlifting ang nag-iisang anti-depressant na walang bad side effect.
• Mas umuunlad ang social skills ng mga bata kapag sila ay may mga kapatid.
• Ang luha ng kaligayahan ay nagmumula sa kanang mata samantalang ang luha ng kalungkutan ay mula sa kaliwang mata.
• Mas nasasarapan ka sa pagkaing niluto ng ibang tao kaysa pagkain na ikaw ang nagluto kahit pa pareho ang recipe.
• Senyales ng “mentally weak person”:
1. Mahilig magpapansin.
2. Kinukuha niya ang approval ng ibang tao bago gawin ang isang bagay.
3. Mabilis maingggit sa tagumpay ng iba.
4. Lagi siyang may paliwanang sa lahat ng ginagawa niya.
5. Hindi marunong magpatawad.
6. Laging ikinukumpara ang kanyang buhay sa iba at ang ending, nalulungkot siya dahil laging daig siya ng pinagkukumparahan niya.
7. Mahilig sa social media.
8. Nabubuhay sa nakaraan at nahihirapang mag-move on.
9. Mahilig magpasikat/show-off.
10. Napo-focus sa problema pero hindi sa paghanap ng solusyon.