309 katao na nakasuot ng sun costume para sa solar eclipse, nakatanggap ng Guinness World Record!

NAKAPAGTALA ng bagong world record ang City of Niagara Falls sa Ontario Canada dahil sa 309 katao na nagsuot ng sun costume!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang City of Niagara Falls ang pinakabagong world record holder ng titulong “Largest Gathering of People Dressed as the Sun”.

Ito ay matapos magtipun-tipon ang 309 Canadians na nakasuot ng sun costume habang nakasakay sa Niagara City Cruise boat noong April 7.

Ang previous record ay mula sa isang insurance company sa China kung saan nagsama-sama ang 287 katao.

Inorganisa ang record breaking event na ito ng ­Niagara River Trading Company para sa solar eclipse na naganap noong nakaraang Lunes (Abril 8).

 

Show comments