Health tips (Part 2)

  • Kung madalas na ang nararanasang bangungot, maglagay sa bowl ng alinman sa mga sumusunod: petals ng roses, sampa­guita or ilang-ilang. Itabi ang bowl sa mesita malapit sa iyong bed. Sa German study, ginamit nila ang roses. Ang taong natu­tulog sa bedroom na may natural na amoy ng mabangong bulaklak ay nakakatulog nang mahimbing at walang napapanaginipang masama. Ang kaaya-ayang amoy ng bulaklak ay nagdudulot ng magandang alaala at magandang panaginip.
  • Dry eyes. Ang trick ng mga Japanese para magluha ang mata ay humihinga sila nang malalim at dahan-dahan sa loob ng tatlong minuto. Dagdagan ang oras hanggang sa magluha. Sa deep breathing, nababalanse ang trabaho ng nervous system na may kinalaman sa pagpo-produce ng luha.
  • Sa Saudi Arabian study, pure honey ang ipinapahid nila sa singaw sa bibig para mas mabilis itong maghilom kumpara kung papahiran nila ito ng steroid cream.
  • Iwasang magbasa sa iPad sa halip na traditional book bago matulog dahil nagdudulot ito ng insomnia. Ang iPad ay naglalabas ng blue light na pumipigil para makaramdam ng antok. Ang cell phone at lap top ay naglalabas din ng blue light kaya umiwas sa mga devices na ito bago matulog.

Show comments