^

Punto Mo

Puwede bang kaltasan ng employer ang sahod?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po ba sa batas ang ginagawang pagbawas ng employer namin ng P50 mula sa sahod namin? Para raw ito sa bank transaction daw po. — Paul

Dear Paul,

Bukod sa buwis at mga mandatory contributions katulad ng SSS, GSIS, at PhilHealth, maari lamang kaltasan ang sahod ng empleyado sa mga pagkakataong pinapayagan ito ng batas katulad ng pagkaltas para sa insurance premiums o union dues na binayaran ng employer para sa kapakanan ng empleyado.

Maari ring magkaltas ang employer para sa mga third-party transactions na may kinalaman ang empleyado, basta may written authorization na pinirmahan ang empleyado at hindi kumita ang employer mula sa nasabing transaksyon.

Hindi malinaw sa inilahad mo kung ano ang bank transaction na tinutukoy mo at kung para saan ito. Kung ang bank transaction na ito ay awtorisado mo naman sa pamamagitan ng isang kasulatan at nakinabang ka naman mula rito ay pinapayagan naman ng batas ang ginawang pagkaltas ng employer mo.

Kung hindi naman ay matatawag na “interference” ang ginawa ng emoloyer n’yo na ipinagbabawal ng batas.

Ang “interference” o pakikialam ng employer sa sahod ay labag sa karapatan ng empleyado na maging malaya sa paggastos ng kanilang kinita sa anumang paraan nila naisin.

Ang hindi awtorisadong pag-awas mula sa sahod ng empleyado ay isang paraan ng paglabag sa karapatang ito kaya maaring maharap sa reklamo ang employer kung hindi naman nakatakda sa batas ang pag-awas sa suweldo at hindi rin ito awtorisado ng empleyado.

SALARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with