^

Punto Mo

Roxanne, mas naging normal sa Taiwan

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Roxanne, mas naging normal sa Taiwan
Roxanne Fam

Pinasilip ng dating aktres na si Roxanne Barcelo ang simpleng buhay niya sa Taiwan.

Sa kanyang vlog, mapapanood kung gaano siya ka-hands-on mom sa mga anak na sina Cinco at Theo. Pinakita niya ang pag-grocery shopping nilang mag-iina at kanilang pamamasyal na silang tatlo lang.

Foreigner ang napangasawa niya na si Jiggs at lutang ang kaguwapuhan nito. Maaalalang hindi pa nga nito agad nilantad ang mukha ng mister. Marami ang nasorpresa noon nang ilantad niya na kasal na siya noong 2019.

Taong 2022 naman nang aminin niya na for good na ang pagtira nila sa Taiwan dahil nasanay siya sa Manila at US lamang. Pero excited na siya noon dahil alam niyang masasarap ang pagkain sa bansang iyon na isa sa paboritong pasyalan ng mga Pinoy.

Hindi niya sinabi noon kung bakit kinailangan nilang mag-migrate ng mister doon pero mukhang may kinalaman ito sa trabaho nito.

Makikita naman na mukhang enjoy naman sa pagiging normal sa nasabing bansa si Roxanne at sa pagiging hands-on sa pag-aalaga sa mga anak.

May bagong hobby rin sila ng mister na pinakita niya sa kanyang vlog. Nagte-tennis lessons sila habang bitbit din ang mga anak sa court.

Lutang pa rin ang ganda at kaseksihan nito kaya pinuri siya ng netizens na hindi halatang may dalawang anak na ito.

Deserve raw talaga nito ang buhay na meron siya ngayon. Bongga.

vuukle comment

ROXANNE BARCELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with