^

Punto Mo

Lalaki na may 69 rabbit tattoos, nakatanggap ng Guinness Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa United Kingdom ang nakapagtala ng bagong world record dahil sa dami ng kanyang rabbit tattoo!

Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na Guinness World Records na si Craig Evans ng Wales ang pinakabagong record holder ng titulong “Most Rabbits Tattooed on a Body”. Ito ay dahil mayroon siyang 69 tattoos ng rabbit sa kanyang braso, legs at dibdib.

Ayon sa 42 anyos na si ­Evans, una siyang nagpa-tattoo ng rabbit noong 2009. Gusto niya kasi noon na magkaroon ng tattoo na cute ang design.

Para kasi sa kanya, ang pagkakaroon ng tattoo ay para sa mga tigasin at astigin kaya natutuwa siya sa irony o kabalintunaan na cute na mga rabbit ang kanyang tattoo. Simula noon ay tanging mga rabbit lang kanyang mga pinapa-tattoo.

Mahilig man siyang magpatattoo ng rabbit, pero hindi siya nag-aalaga nito. Mayroon kasi siyang aso na ­nagngangalang Bertie at sa tingin niya ay hindi sila magkakasundo kung sakaling magkaroon siya ng rabbit. Bukod sa mga rabbit, mayroon din siyang tattoo ni Bertie.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 10,000 dollars ang nagastos niya sa kanyang mga rabbit tattoos. Pero wala pa siyang balak itigil ito at sigurado siya na madadagdagan pa ang mga ito.

vuukle comment

GUINNESS RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with