NAKAPAGTALA ng bagong world record ang isang community ng indigenous people sa India nang sabay-sabay maglakad habang naka-tiyakad!
Kinumpira ng records keeping organization na Guinness World Records na ang Karbi people ng Assam, India ang mga bagong world record holder ng titulong “Longest Moving Line of People Walking on Stilts”. Ito ay matapos maglakad nang naka-tiyakad ang 721 miyembro ng Karbi community na umabot sa 1.24 miles ang haba ng kanilang prusisyon.
Inorganisa ng Karbi Anglong Autnomous Council ang record breaking attempt at isinabay nila ito sa 50th Karbi Youth Festival na ginanap sa Assam. Upang kilalanin ng Guinness ang kanilang record, kinailangan na 10 minuto na naglalakad habang naka-tiyakad ang mga kalahok.
Ayon sa organizer ng event, ginawa nila ito hindi lamang para magkaroon ng Guinness title, gusto rin nila ipagdiwang ang kultura ng Kabri people. Ang paglalakad habang naka-tiyakad, na tinatawag nilang “Kang Dong Dang” ay ginagawa na ng kanilang mga ninuno.