Buhay na ipis natagpuan sa loob ng taynga ng tinedyer
ISANG 17-anyos na babae mula sa Nanchang, China ang nagtungo sa ospital para ikunsulta ang pananakit ng kanyang taynga. Ayon sa tinedyer na hindi pinangalanan, isang linggo nang sumasakit ang kanyang taynga at hindi na niya kayang tiisin ang sakit.
Ayon sa tinedyer, nagising na lamang siya na sobrang sakit ng kanyang taynga. Naramdaman din umano ng tinedyer na may gumagapang sa loob ng kanyang taynga.
Agad sinilip ng doktor sa pamamagitan ng microscope ang taynga ng tinedyer at maging ang mga doktor ay nagulat sapagkat isang buhay na ipis ang nakita sa ear canal.
Agad isinagawa ng doktor ang pagkuha sa ipis. Sumisigaw ang pasyente habang dinudukot ang ipis.
Hanggang sa tagumpay na makuha ang buhay na ipis.
Ayon sa doktor, gumapang ang ipis sa taynga habang natutulog ang tinedyer. Maaaring naghahanap ng pagkain ang ipis at sa loob ng taynga ng tinedyer ito pumasok.
Nasa maayos nang kalagayan ang tinedyer.
Ang ipis na pumasok sa taynga ng tinedyer na matagumpay na nakuha ng mga doktor.
- Latest