• Marami ka sanang gustong sabihin pero pinili mong manahimik kung nahalata mong toxic ang kausap mo.
• Naniniwala kang ang pamilya ang pinaimportanteng mga tao sa buong mundo.
• Kapag alam mong wala ka nang magagawa sa isang sitwasyon, tinatanggap mo na lang ito at ipinagpapasa-Diyos na lang ito.
• Kaysa piliting baguhin ang inuugali ng ibang tao sa iyo, mas nagpokus ka na baguhin ang iyong reaksyon sa pinaggagawa niya sa iyo.
• Pinatawad mo na ang iyong mga magulang.
• Hindi ka na naaasar sa mga kaibigang tamad at walang ambisyon sa buhay. Nagiging katwiran mo: “Bahala na kayo sa buhay n’yo, matatanda na kayo”.
• Hindi ka na mahilig makipagdebate. Naisip mong hindi dapat ipilit ang iyong paniniwala sa utak ng ibang tao.
• May kontrol ka na sa iyong emosyon. Maayos ka nang makiharap sa mga taong kaaway o kinaiinisan mo. Hindi ‘yun kaplastikan kundi nagiging edukada ka lang.
• Kahit alam mong hindi nagsasabi ng totoo ang kausap mo, hindi mo siya binabara at hinahayaan mo lang magkuwento ng kanyang pantasya.
• Mas gusto mong ilihim ang mga bagay tungkol sa iyong buhay. Kung wala silang alam, wala silang maisisira sa iyo.
• Sinasabi mo kung wala kang kaalaman tungkol sa isang bagay. At willing kang matutuhan ang mga ito.
• Sa halip na hintayin ang “right time”, umaaksiyon ka na agad sa iyong mga pinaplano sa buhay.
• Mas mahalaga sa iyo ang mental health kaysa magulo at toxic relationship.