Maid of Honor (17)

Maayos at ligtas na nakapanganak si Bianca. Malusog naman ang kanilang panganay na baby boy. Maputi at guwapo ang sanggol. Hindi pinagsasawaan ni Honor na tingnan ni Honor sa nursery kapag viewing time. Mga tatlo hanggang apat na araw daw sa ospital si Bianca.

“Kumusta si Baby, Honor?’’ tanong ni Bianca sa ikalawang araw nila sa ospital.

“Naku napakalusog. Ang lago ng buhok.’’

“Sino ang kamukha?’”

“Sino pa e di ang guwapong ama, ha-ha-ha!’’

“Guwapo ka ba?’’

“Oo. Magugustuhan mo ba ako kung hindi guwapo. Mahilig ka sa guwapo di ba?’’

Napahalakhak si Bianca.

“Hoy huwag mong ilakas ang pagtawa at baka sumakit yang pinaglabasan ng bata,’’ sabay nguso sa bahaging ibaba ng tiyan ni Bianca.

Lalong humagalpak ng tawa si Bianca.

“Baka magdugo yan sige ka!’’

“Hindi ito masakit ‘no? Normal delivery ako!’’

“Pero mahapdi siyempre dahil dumaan diyan si Baby.’’

“Konti lang.’’

IKATLONG araw sa ospital. Inaayos ni Honor ang mga dapat ipresenta sa billing section. Hinanap ang company ID ni Bianca at pati SSS. Nasa bahay nila ang mga IDs.

“Umuwi ka muna Honor at kunin ang ID ko. Hindi ko pala naisama sa bag. Hanapin mo sa kuwarto natin.’’

“Paano ka? Mag-iisa ka rito?’’

“Sandali ka lang naman dun. Bumalik ka agad.’’

“Sige.’’

Umuwi si Honor.

Gulat na gulat si Yana nang makita si Honor.

“Ba’t umuwi ka Kuya? Sinong kasama ni Ate roon.’’

“May kukunin lang ako.’’

(Itutuloy)

Show comments