^

Punto Mo

Babae na nag-bake nang walang tigil sa loob ng 55 oras, nakapagtala ng bagong world record!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG baker sa United States ang walang tigil na gumawa at maghurno ng iba’t ibang baked goods sa loob ng 55 oras para sa Guinness World Record.

Sinubukan ni Mitchelle Handley ng Texas na mag-bake ng iba’t ibang klase ng tinapay at dessert sa loob ng dalawa’t kalahating araw upang masungkit ang Guinness World Record title na “Longest Baking Marathon by an Individual”.

Naganap ang baking ma­rathon ni Handley sa kanyang tahanan sa Mansfield at ­kasama niya ang ilan sa miyembro ng Mansfield Police Department bilang kanyang witness at taga-dokumento ng kanyang record attempt.

Nagsimulang mag-bake si Handley noong December 28, 2023 at natapos ang kanyang marathon ng December 30, 2023. Inabot siya ng 55 oras at natalo niya ang previous record na 47 oras ni Alan Fisher.

Nagmula sa Nigeria si Handley at naging immigrant sa U.S. noong 2015 para magtrabaho bilang professional baker.

Sa kasalukuyan, isinumite na ni Handley ang lahat ng pruweba sa Guinness World Records organization.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with