Retired AFP at PNP officers, nagpapansin kay BBM!
NABABAGABAG ang Palasyo sa kumakalat na petition letter na pirmado ng mga retired police at military officials, karamihan graduate ng prestigious military school na Philippine Military Academy. Kaya pala nabanggit ni AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang kudeta noong nakaraang taon.
Sa ngayon, ang sa tingin ng Palasyo na mga pulitiko at influential persons na may kapabilidad na mamuno ng kaguluhan ay mahigpit na binabantayan o naka-bug ang kani-kanilang celfone. Araguyyyyy! Ang tanong, itong bangayan ng mga pulitiko, lalo na ang paggiba kay Vice President Sara Duterte ay kasama sa “kaguluhan?” Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Nakasaad sa petition letter ng mga retired AFP at PNP officials na malaki ang paniniwala nila na ang demokratikong proseso, at ang kinabukasan ng Pinas ay nanganganib. Anila, ang gobyerno ni President Bongbong Marcos “cultivates a culture of corruption, deception, coercion; ang colludes with the enemies of the state.” Araguyyyyy! Sinabi rin sa sulat na ang mga government officials ay ginagamit ang batas upang protektahan ang sarili sa prosecution, sa pagpayaman o sa pananakot sa mga Pinoy. Ano ba ‘yan? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa pangalawang petition na may petsang December 30, nagbigay ng apat na suhestiyon ang mga retiradong pulis at sundalo. Ang una sa listahan ay dapat ang 2024 national expenditure program (NEP) ay kapantay ng P4,184.4 bilyon (baka trilyon?) na kita ng gobyerno sa taon na ito. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagligwak ng corruption na kumakain ng halos 20 porsiyento ng annual budget, bitiwan ang P450 bilyon unprogrammed fund, bawasan ang allowances ng kung anu-anong komite sa Kongreso, walisin ang overpaid at unnecessary positions sa gobyerno, ibenta ang mga GOCC, dagdagan ang PPP na may minimum na budget para iwasan ang kickbacks. Hehehe! Mukhang next to impossible na ito, no mga kosa/
Binanggit din sa sulat na dapat ihinto ang pag-implement ng Maharlika Investment Corporation (MIC) dahil baka mawindang ang P50 bilyon at P25 bilyon na ibinahagi ng Land Bank at DBP. At si Finance Secretary at Land Bank chairman Benjamin Diokno ay dapat sibakin kaagad dahil sa pitsang inilatag n’ya sa MIC. Anila, sa Land Bank nakadeposito ang pang-suweldo ng mga empleado ng gobyerno at kapag nawindang ito ay magkaroon ng panic ang mga Pinoy. Kung sabagay, matagal ng Marites na sisibakin itong si Diokno dahil sa kaguluhan sa MUP at papalitan ni Rep. Ralph Recto subalit inagiw na ito. Dipugaaaaa!
Sa tingin naman ng mga kosa ko, itong mga hinaing ng mga retired na sundalo at militar ay hindi sapat para umaklas na ang mga aktibong AFP at PNP laban sa gobyerno ni BBM. Mahirap na mag-recruit ng sundalo at pulis sa ngayon dahil sa magiging triple o higit pa ang pondo bunga sa tinaasan ni Tatay Digong ang kanilang suweldo. Hindi lang ‘yan? Bunga sa hi-tech gadgets sa ngayon, tulad ng celfone, hindi na mabola ng mga recruiter ang mga sundalo at pulis na samahan sila sa kanilang pag-aklas dahil isang pindot lang malalaman na nila ang katotohanan. hindi tulad ng 1986 coup at 1989 “God Save the Queen” na nagoyo sila. Kaya habang nanatiling loyal sa Constitution itong sina Brawner at PNP chief Gen. Benjamin Aocrda Jr. makakatulog ng mahimbing si BBM, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!
- Latest