^

Punto Mo

Sotto law, kalasag ng mga malisyoso

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MARAMI ang hindi nakaa­alam­ na ang may-akda ng Press Freedom Law (Republic Act. No. 53) ay ang senador at mamamahayag na si Vicente Yap Sotto­ ng Cebu. Lolo siya ni Sen. Vicente­ Tito Sotto III. Ipinasa ang batas noong Okt. 5, 1946.

Ang RA 53 ang madalas na depensang ginagamit ng mga kri­tiko ng gobyerno kapag nauwi sa pag-aresto at paglilitis ang ka­ma­­lian nilang ginawa sa malisyoso nilang pamamahayag. Kalasag din pala ito ng rumor mongerers?

Ang batas na ito rin ang ginamit ni Eric Celis nang malagay sa kagipitan at ikinulong sa Senado dahil sa pagtangging pangalanan ang source ng impormasyon sa maanomalyang travelling expenditures ni House Speaker Martin Romualdez.

Nadamay sa usapan ang SMNI ni Apollo Quiboloy.

Sa pagiging adelantado ni Celis, nabisto rin na fake NPA Cadre siya at dating tauhan ng isang druglord sa Iloilo City. Kabilang siya sa drug list ni Pres. Digong Duterte. Mabuti naman­ at hindi siya nakasama sa misyon ni Col. Jovie Espenido.

Suwerte pa rin ‘di ba?

Sagrado ang layunin ng RA 53 upang pagtibayin ang kala­yaan sa pamamahayag ngunit hindi dapat inaabuso ng mga tsismoso para pabagsakin ang gobyerno.

Maliwanag ba?

PRESS FREEDOM LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with