Life hacks
1. Paraan para gumawa ng pampahid sa eczema: Paghaluin ang turmeric powder at am ng sinaing. Ito ang ipahid sa eczema.
2. Nagmumukhang clown kapag makapal ang eye make-up at super red ang lipstick.
3. Sa paggamit ng lipstick, ang orange at brown shades ay pinagmumukhang madilaw ang ngipin. Magmumukhang maputi naman ang ngipin kung ang gagamiting shades ay pink, plums, wine.
4. Ang unang tinitingnan sa iyo ng taong first time ka lang nakilala ay ang iyong damit at suot na sapatos.
5. Foggy windshield? Mas mainam na ipangpunas ang blackboard eraser kaysa basahan.
6. Para makagawa ng creamy omelette, haluan ng sour cream or cream cheese ang itlog bago batihin.
7. Ganito ang pag-check kung “properly stored” ang ice cream na bibilhin mo: Diinan ng mga daliri ang ibabaw ng ice cream. Kung ito ay matigas, napanatili ang ice cream sa tamang temperature. Kung bumabaon ang daliri mo sa ibabaw ng takip, malaki ang tsansa na ito ay natunaw, tapos, na-refrozen. Hindi natin alam kung ilang beses itong natunaw at pinatigas ulit.
8. The best time to study: 4:00 a.m. to 6:00 a.m. dahil ang utak natin ay aktibo sa ganitong panahon.
9. Ayon sa pag-aaral, ang bacteria na nagdudulot ng tooth decay ay namamatay sa anacardic acid mula sa kasuy. Kaya isama sa diet ang pagkain ng kasuy.
10. Kumain ng orange bago mag-work out para manatili kang hydrated at maiwasan ang pagsakit ng muscle.
- Latest