Ang kadalasang dahilan kung bakit mabilis tumaba ay malaki kang kumain. Narito ang walong natural na paraan para mabawasan ang sobrang gana sa pagkain.
Dagdagan ng anghang ang iyong kinakain. Ang capsaicin na taglay ng siling labuyo at mga kauri nito ang nagsisilbing natural appetite suppressant. Pinabibilis din nito ang metabolism na ang resulta ay pagsunog sa calories.
Amuyin ang peppermint leaves every 2 hours para hindi ka kaagad makadama ng gutom. Ang pag-amoy ng nakasinding peppermint candle, pag-inom ng peppermint tea o pagnguya ng peppermint chewing gum ay nakakabawas ng gana sa pagkain.
Kumain ng mansanas araw-araw. Nakakabusog ang mansanas dahil matubig ito at mayaman sa pectin at soluble fiber. Dahil busog, hindi ka na masyadong makakain ng marami.
Uminom ng dalawang basong tubig bago kumain.
Uminom ng green tea. Mayroon itong catecholamines para mabawasan ang gana mo sa pagkain.
Kumain ng grapefruit. Mayroon itong powerful compound na may kinalaman sa appetite control.
Kontrolin ang stress sa pamamagitan ng dahan-dahang pag-inhale at exhale. Kapag stress, nilalabasan ka ng maraming hormone cortisol. Ang cortisol na ito ang pumipigil para mag-produce ang iyong katawan ng leptin. Ang leptin ang nagbibigay ng signal sa utak na busog ka na. Hindi mo nahahalata, kapag stress ka, lalo kang nasasabik na kumain nang kumain.
Kapag ang ulam ay bagay na isawsaw sa suka, magtimpla ng sawsawang suka na maraming sili.