“Gusto mo bang samahan kita sa pakikipag-usap kay Manang Rose o ikaw lang, Eliz?’’ tanong ni Gino.
“Ako na lang. Kasi baka makahalata siya na mayroon tayong balak. Ang gusto ko e maging natural ang lahat. Yung suwabe ang mga kuwento at mga pangyayari.’’
“Sige ikaw ang bahala. Basta kung kailangam mo ang tulong ko e call mo lang ako. Handa akong tumulong para mabigyan nang magandang wakas ang love story nina Rose at Rene.’’
“Ang gandang title ano, Love Story nina Rose at Rene. Isulat mo kaya Gino?’’
“Sige pagnalutas na natin, isulat ko—iaalok ko sa bookstore.’’
“Sige maraming babasa niyan dahil abogado ang awtor.’’
“Oo nga ano? Sa halip na court cases ang isulat e love story, he-he-he!”
“Maganda tiyak ang ending ng love story.’’
“Tiyak maganda.’’
“Kaya nga bukas na bukas, start na ako.’’
“Pupuntahan mo si Manang sa room niya at kakausapin?’’
“Oo. Ako na ang bahala sa mga susunod. Sasabihin ko na lang sa’yo ang mga pinag-usapan namin.”
“Okey. Good luck, sweetheart.’’
KINABUKASAN ng gabi, kinatok ni Eliz ang kuwarto ni Manang.
“Pasok, bukas yan,’’ sabi ni Manang.
Pumasok si Eliz.
“Puwede kang makausap Manang?’’
“Oo. Halika.’’
(Itutuloy)
disease expert, na hindi naman dapat mag-panic ang publiko dahil wala pa namang linaw kung may panibago na namang pandemya na idudulot ang naturang pagdami ng naiimpeksiyon sa China. Gayunman, mahigpit umanong minomonitor ang nasabing sakit.
Ang pagdami ng kaso ng sinasabing respiratory disease sa China ay hindi dapat balewalain. Posibleng kumalat na naman ito sa buong mundo kung hindi mag-iingat. Noong 2020, binalewala ang pagkalat ng misteryosong sakit na kalaunan ay tinawag na COVID-19. Sa isang iglap kumalat ito sa mundo na tumagal nang mahigit dalawang taon. Hindi napigilan at maraming nagkasakit at namatay. Naging relaks ang DOH noon at saka lamang naghigpit nang nakapasok na ang virus mula sa Wuhan, China.
Banta pa rin ang COVID ngayon kaya hindi pa rin dapat maging kampante ang mamamayan. Bagama’t hindi ito kasingdami ng mga kaso sa mga nakaraan, hindi dapat balewalain ang paalala ng DOH na mag-ingat pa rin ang lahat para makaiwas sa nasabing sakit. Totoo na kahalubilo na ng mamamayan ang virus at kailangang maging maingat para hindi tamaan nito.
Sundin ang lagi nang paalala ng DOH na iwasan ang matataong lugar at para makaiwas, sundin ang mga nakaugalian nang pagsusuot ng face mask kapag magtutungo sa matataong lugar o sumasakay sa mga pampublikong sasakyan. Palaging maghugas ng kamay. Gumamit din ng pang-disinfectant gaya ng alcohol. Huwag mamalagi sa mga lugar na walang sapat na bentilasyon. Sa lahat nang ito, pinakamainam pa rin ang pagbabakuna para ganap na makaiwas sa nakamamatay na sakit.