^

Punto Mo

Manang Rose (227)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAYA-MAYA nag­seryoso sa pagsasalita si Sir Rene.

“Mayroon lang akong pinangangambahan sa balak ninyong paghahanap kay Rose. Ito naman ay pansarili kong opinyon.’’

“Ano po yun Sir Rene?’’ tanong ni Eliz.

“Halimbawa na makita nga ninyo si Rose at sabihin ang tungkol sa akin, hindi kaya siya tumanggi. Isa pa, paano kung may pamilya na siya, papayagan ba siya ng kanyang pamilya na maki­pagkita sa akin? Dati niya akong nobyo at baka dahil sa pagsulpot ko e maapektuhan ang pagsasama nila. ‘Yan ang iniisip ko, Eliz, Atty. Gino.’’

Nagkatinginan sina Eliz at Gino. Kunwari ay problema ang sinabi ni Sir Rene. Ginalingan pa ng dalawa ang pag-arte.

“Siguro naman po ay wala pang pamilya si Rose,’’ sabi ni Eliz.

“Kapag nalaman po namin ni Eliz na may pamilya na siya e hindi na namin siya gagambalain. Irerespeto namin ang privacy niya,’’ sabi naman ni Atty. Gino.

“Oo nga po Sir Rene, once po na nalaman na may family siya, hindi na kami magpapatuloy sa misyon.’’

Nagliwanag ang mukha ni Sir Rene. Nang magsalita ay may galak na.

“Sige, ganyan na lang ang usapan natin. Mabuti at naisip n’yo yan.’’

Nang sumapit ang lunch time, hindi na sila pinaalis ni Rene at doon na pinakain.

Nag-order ito sa Grab nang maraming pagkain.

Habang kumakain, si Rose pa rin ang topic nila.

“Nag-aalinlangan kasi ako na baka may pamilya na siya kaya ko nasabi sa inyo ang problema. Kaya naisip ko na huwag nang ituloy ang plano.’’

“Hindi po tayo titigil Sir Rene. Malakas ang kutob na­min ni Gino na single pa si Rose,’’ sabi ni Eliz.

Natuwa si Rene.

“Kumain na tayo. Da­ming pagkain! Para sa atin lahat yan!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

RENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with