Manang Rose (216)

“Nagkaroon ka po ba ng girlfriend, Sir Rene?’’ tanong ni Eliz.

Natigilan si Rene na para bang ayaw pag-usapan ang topic na yun pero sinagot pa rin.

“Oo.’’

“Pasensiya na po kung malayo ang tanong ko Sir Rene.’’

“Okey lang Eliz. Gaya ng sabi ko, mamaya ko ikukuwento ang iba pa kung bakit ako naging matandang tinale.’’

“Talaga, Sir Rene?’’

“Oo. Tapusin na lang natin ang iba pang katanugan mo at saka tayo bumalik sa aking lovelife, ha-ha-ha!’’

“Mukha pong kapana-panabik ang lovelife mo Sir.’’

“Oo—may aral na mapupulot.’’

“Nasasabik tuloy ako ah.’’

“Kaya tapusin mo na ang mga itatanong para makapagsimula ako.’’

Kunwari ay nagtanong pa si Eliz kaugnay sa interbyu kuno. Pagkatapos niyon ay nagkuwento na si Rene.

Hindi akalain nina Eliz at Gino ang mga nakatagong kuwento ni Rene kung bakit nananatili pa itong single.

Marami palang nangyari—hindi inaasahan.

(Itutuloy)

Show comments