1. Sobrang sakit ng ulo? Sa halip na uminom ng painkiller, kumain ng spinach. Igisa ito at iyon ang ulamin sa kanin. Magnesium ang ipinaiinom sa Emergency Room kapag may migraine attack ang pasyente. Mayaman sa magnesium ang spinach at taglay din nito ang riboflavin.
2. Mas mabilis kumain, mas mabilis tumaba. Base sa pag-aaral na ginawa, ang fast eater ay nadadagdagan ang timbang ng 4.2 pounds sa loob ng walong taon samantalang ang slow eater ay 1.5 pounds lang.
3. Palibutan mo ang iyong sarili ng kulay dilaw na bagay para mabilis kang mag-focus sa iyong ginagawa. Nakakatulong din ang kulay dilaw para hindi antukin.
4. Kung may sore throat, ngumuya ng cucumber. Palalamigin nito ang lalamunan para matanggal ang pangangati.
5. Feeling down? Pagandahin ang mood sa pamamagitan ng pagkain ng oatmeal, cereal, salmon, milk, dark chocolate or bananas.
6. Isa pang pantanggal ng sakit ng ulo: Ibabad ang paa at kamay sa maligamgam na tubig. Ipatong sa ulo ang ice bag.
7. Uminom ng chamomile tea kung hindi makatulog. Ito ang itinuturing na epektibong natural insomnia cure. Taglay nito ang Apigenin, isang antioxidant na nakakabawas ng anxiety at mabilis magpaantok.
8. Mga pagkaing nagpapatalas ng isipan: walnut, salmon, turmeric, blueberries, kamatis, broccoli, mansanas, spinach, onions, green tea.