^

Punto Mo

Misis sa China, inaresto matapos magpakasal sa tatlong lalaki para perahan ang mga ito!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa China ang inaresto at kinasuhan ng fraud matapos pakasalan at perahan ang tatlong lalaki kahit mayroon na siyang asawa!

Ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Zhou” ay matagal nang kasal sa isang businessman at mayroon silang isang anak na babae. Hindi malinaw kung ano ang dahilan ni Zhou sa panloloko at pamemera sa tatlo niyang biktima dahil sa nakalap na report ng isang news agency sa China, mayaman ang kanyang legal husband at namumuhay sila nang marangya.

Ayon sa mga awtoridad mabilis nakahanap ng mabibiktima si Zhou dahil sa maganda at inosente nitong mukha. Maingat na pinagsabay-sabay niyang maging boyfriend ang tatlong biktima upang hindi magsuspetsa ang mga ito pati na rin ang kanyang mister.

Ang madalas niyang palusot para hindi siya paghinalaan ng mister sa tuwing makikipagkita sa kanyang mga lalaki ay nagpapanggap ito na pinadadala siya ng kanyang pinagtatrabahuhang kompanya sa malalayong lugar. Busy at walang oras para kay Zhou ang kanyang mister kaya madali niya itong napapalusutan.

Sa tuwing aalukin si Zhou ng kanyang mga boyfriend ng kasal, agad siyang pumapayag sa wedding proposal ng mga ito. Upang hindi ma-trace na kasal na siya, nakikiusap ito na huwag munang iparehistro sa civil registry ang kanilang pag-iisang dibdib at magkaroon na lang ng wedding ceremony.

Ang palusot ni Zhou sa kung bakit ayaw niyang iparehistro ang kasal ay dahil kailangan niyang manatiling single sa papel dahil titigil ang government compensation na natatanggap niya kapag ­married na ang status niya.

Nagsimulang mabu­king ang mga panloloko ni Zhou nang magkunwari itong buntis sa isa sa kanyang pinakasalang biktima na si Tang. Umarkila si Zhou ng kapwa niya scammer na magpapanggap na doktor ngunit nang hindi ito makasagot ng maayos sa mga katanungan ni Tang tungkol sa pagbubuntis ni Zhou, doon na ito nagkaroon ng paghihinala at umupa siya ng private investigator.

Matapos mabisto ni Tang ang scam si Zhou, nagsunud-sunod ng nabunyag sa kanya ang lahat ng panloloko nito. Isa sa ikinagulat ni Tang na natuklasan niya ang lahat pala ng bisitang kamag-anak at kaibigan ni Zhou na umattend sa kanilang wedding ay mga bayarang con-artist at scammers.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng pulis si Zhou. Napag-alaman na nakakulimbat ng 660,000 yuan si Zhou sa lahat ng kanyang biktima. Dahil sa nagawang krimen, nahaharap siya sa 10 taon na pagkakakulong.

CHINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with