^

Punto Mo

Sriracha: Hot sauce na nagpayaman sa Vietnamese refugee

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BINIBIGKAS nasir-ah-cha. Ang hot sauce na ito ay inimbento ni David Tran, isang Vietnamese refugee na napadpad sa U.S. noong kasagsagan ng giyera sa kanilang bansa. Noong naninirahan na siya sa Los Angeles California, napansin niya na mabenta ang hot sauce sa mga Southeast Asian immigrants.

Nag-experiment siya. Ang hot sauce na nabibili noon ay gawa lang sa sili. Naisip niya, bakit hindi niya haluan ang hot sauce ng paminta kagaya ng ginagawa niyang sawsawan noong nasa Vietnam sila.  Pinangalanan niya ang sauce ng Pepper Sate. Ang ibig sabihin ng sate: to satisfy appetite or desire.

Palibhasa ay walang permanenteng pinagkakakitaan, gumawa siya ng maraming hot sauce na may paminta. Namili siya ng mga recycled na bote ng baby food. Nilinis niya ito at pinakuluan, tapos dito isinilid ang mga tinimplang Pepper Sate. Isinasakay niya ito sa bisikleta at inilalako sa bahay-bahay.

Nagtimpla muli siya ng panibagong flavour: jalapeño peppers, salt, sugar, vinegar at garlic. Mas nagustuhan ito ng mga suki niya. Ang recipe ay mula sa isang bayan na ang pangalan ay Si Racha sa Thailand. Dito nagmula ang pangalan ng sauce pero binago lang niya ang spelling—Sriracha.

Umasenso ang negosyo ni Tran kaya nang magtayo ng kompanya pinangalanan niya ito ng  Huy Fong Foods, mula sa pangalan ng barkong sinakyan nilang mga refugee at nagdala sa USA—Huey Fong na ibig sabihin ay Gathering Prosperity. Gumamit siya ng rooster bilang simbolo ng kompanya dahil ito ang kanyang Chinese astrological sign.

Hindi siya nag-import ng raw materials sa Asian countries. Lahat ng ingredients ng Sriracha ay mula sa USA bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagkupkop sa kanila bilang refugees noong araw. Hindi rin niya itinataas ang presyo ng kanyang produkto. Hindi niya idinidemanda ang mga gumagaya sa produkto. Kaya naman good karma ang nangyari sa kanya. Ngayon ay mayamang-mayaman na siya!

HOT SAUCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with