^

Punto Mo

Nasisilip sa langit: UFO o UAP?

PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Tinatawag na ngayong Unidentified Anomalous Phenomena (UAP) ang dati nang nakagawiang terminong Unidentified Flying Object (UFO). Ginawa ito ng mga kinauukulang awtoridad para mabura ang matagal nang bagaheng paniniwala na ang mga UFO ay patungkol lang sa mga sasakyan o nilalang na nagmula sa ibang planeta o ibang sulok ng kalawakan na kung tawagin ay “alien.”  Bunsod din kasi ito ng patuloy na paglabas ng iba’t ibang report hinggil sa hinihinalang mga nakikitang UFO na hindi naman mapatunayang mabuti at kalimitang mga bagay lang na gawa rito sa ating planeta o ng kalikasan.

Sa pangkalahatan, ang UAP ay mga bagay na hindi makilala at hindi maipaliwanag na nakikita ng mga piloto, sensor o ng mga sibilyan o iba pang karaniwang  tao sa kalangitan o himpapawirin.

Marami na rin kasing mga bagay na lumilipad, lumulutang, umiikot, nagliliwanag  o bumabagsak na makikita sa himpapawirin o atmospera o orbit ng Daigdig na kung minsan ay napapagkamalang UFO. Halimbawa ay ang mga satellite o rocket ng mga spaceship  o labi ng mga rocket, space junk, eroplano, lobo,  meteor, drone, at iba pa.

May iba ring mga planeta na maaaring matanaw mula sa Daigdig tulad ng Venus at Mars.  Isa rin itong dahilan kaya ginagamit na ng mga space agencies at ibang mga kinauukulan ang katawagang UAP.  Sinasabing karamihan naman sa mga UAP na ito ay naipapaliwanag bagaman meron ding mga UAP na hindi rin naman agad maipaliwanag at sumasailalim ng imbestigasyon ng mga awtoridad.

Sa Popular Science, sinabi ng astronomer at astrophysicist na si  Jonathan McDowell ng  Harvard–Smithsonian Center for Astrophysics (United States)  na, kapag ang pangkalahatang publiko ay may namataang mga UAP, lumalabas na mga bagay o kaganapan ito na maihahanay sa tatl ong pangunahing kategorya: Rocket launches, spacecraft, at celestial objects.

Maaaring ang nakikita sa himpapawirin ay epekto ng rocket na lumipad patungo sa kalawakan o bumabalik sa lupa o liwanag na likha ng bulalakaw o meteor o pumapailanlang na spacecraft. Maaari ring ang namamataan ay ang mga satellite na nagkalat sa orbit ng Daigdig o ang  International Space Station o ang Tiangong space station ng China. May mga nagsasabi naman na ang mga nakikitang UAP o UFO ay bunsod ng natural phenomena, human technology, delusion at hoaxes.

Gayunmn, ang usaping ito sa UAP o UFO ay bahagi ng matagal nang malaking katanungan o palaisipan kung meron pang mga nilikha na nabubuhay sa ibang planeta o sa malalayong sulok ng kalawakan o nag-iisa lang ba ang sangkatauhan na nabubuhay sa santinakpan?

Marami nang ginawa at ginagawa pang teorya, pananaliksik at imbestigasyon dito  pero ang katanungang ito ay nananatili pa ring katanungan hanggang sa kasalukuyan. Merong mga naniniwala, naghihinala, nagdududa, nag-aagam-agam. May mga organisasyon pa nga ng mga mapaniwalain sa mga “Alien” o “UFO”.

Ilang malalayong planeta sa labas ng ating solar system o milky way na nasisilipan sa pamamagitan ng mga makabagong telescope na hinihinalang maaaring mapanirahan doon tulad ng sa Daigdig pero wala pang pruweba na merong mga nabubuhay na nilikha roon tulad ng tao. Hinihinalang merong tubig sa Mars at maging sa Buwan pero nananatili pa rin itong teorya hangga’t hindi nakakatapak ang tao doon at mapatunayan ang mga ito. Kung walang ibang nabubuhay na nilikha sa ibang planeta, ano o saan galing ang mga nakikitang hinihinalang mga UFO sa Daigdig?

Gayunman, sabi nga ng isang karakter sa isang lumang sci-fi movie, sayang naman ang napakaraming planeta sa kalawakan kung kahit isa man sa mga ito ay hindi maaaring matirhan o walang tumitirang nabubuhay na mga nilikhang tulad ng tao.

-oooooo-

Email: [email protected]

vuukle comment

UAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with