• Maging mapagkumbaba lalo na sa panahon ng pananagumpay. Marami nang tao ang nauna sa iyo na nagkaroon ng mas maraming accomplishments.
• Maging simple.
• Huwag makipag-away sa mga taong wala nang pinangangalagaang reputasyon.
• Huwag magsunog ng tulay. Darating ang panahon na babalik ka at hindi maiiwasang dumaan kang muli sa tulay na iyon. Huwag “sunugin” ang tulay ng pagkakaibigan. Magpalamig, magtampo pero huwag magtatakwil ng kaibigan o kamag-anak.
• Maging mabait para kapag patay ka na ay pinanghihinayangan pa nila ang pagkawala mo.
• Maging matatag at matapang. Para pagdating ng araw, wala kang pagsisihan na hindi mo nagawa ang isang bagay dahil natakot ka.
• Huwag sayangin ang pagkakataong magsabi ng I Love You sa mga mahal sa buhay.
• Laging magpasalamat sa mga taong nakatulong sa iyo.
• Kung palaaway ka noong bata pa, sana maging pasensiyosa kapag “senior na”. Kahiya-hiya kung matanda na pero lagi pa rin may kaaway.
• Bisitahin ang mga kaibigang maysakit.
• Simulan ang araw ng pagpapatugtog ng paborito mong music.
• Paminsan-minsan ay mamasyal sa kabukiran.
• Magpadala ng Valentine cards sa mga kaibigan.
• Siglahan ang boses kapag sasagot sa telepono.
• Laging magtabi sa higaan ng pansulat at papel. Ang magandang ideya ay bumubukal sa alas-tres ng madaling araw.
• Irespeto ang paghahanapbuhay ng ibang tao gaano man iyon kaliit sa iyong paningin.
• Sorpresahin ang iyong mahal sa buhay. Magpadala ng bulaklak sa kanya.
• Ilibre ng lunch ang mabait na guwardiya o dyanitor na laging bumabati sa iyo.
• Maging bayani sa isang tao.
• Pag-ibig dapat ang iyong dahilan ng iyong pagpapakasal.
• Magpasalamat sa mga blessings.
• Purihin ang pagkain sa dinaluhang party. Direktang sabihin ito sa host ng party.
• Maging mabait sa anak ng ibang tao.
• Ang 80 percent ng success sa career ay nakasalalay sa klase ng pakikitungo mo sa mga kasamahan sa trabaho.
• Tanggapin ang katotohanang “life is not fair”.