1 taon nang sinisante, puwede pa bang magsampa ng reklamo?
Dear Attorney,
Puwede ko pa po bang ireklamo ang employer ko ng illegal dismissal ? Noong isang taon pa po ako tinanggal sa trabaho pero ngayon lang po may nakapagsabi sa akin na hindi daw dapat ako tinanggal ng basta-basta at ng hindi man lang hinihingi ang explanation ko. —Jojo
Dear Jojo,
Puwede ka pang magsampa ng kasong illegal dismissal.
Nakasaad sa Article 1146 na kailangang maisampa sa loob ng apat (4) na taon ang mga aksyon o demanda para sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa karapatan ng iba.
Dahil ang employment o hanapbuhay ay masasabing isang “property right,” ang illegal dismissal o pagtanggal sa isang empleyado na walang sapat na dahilan ay isang paraan ng paglabag sa karapatan ng iba.
Ito ang naging basehan ng desisyon ng Korte Suprema sa G.R. No. 175689, 13 August 2014 kung saan ipinagpalagay na paglabag sa karapatan ng iba ang illegal dismissal kaya may apat na taon ang sinisanteng empleyado para magsampa ng demanda para sa kanyang pagkakatanggal.
Base sa nabanggit, may panahon ka pa para makapagsampa ng reklamong illegal dismissal laban sa iyong employer kung isang taon pa lamang ang nakalilipas mula nang ikaw ay matanggal sa trabaho
- Latest