Manang Rose (112)

Masayang kumain sina Gino at Eliz nang inorder nilang pizza. Big size ang inorder nila.

“Maubos kaya natin itong pizza, Gino?’’

“Oo naman.’’

“Parang ang dami.’’

“Kaya yan. Kapag masaya ako, kaya kong ubusin ang malaking pizza. Masaya ako ngayon dahil magsiyota na tayo. Wala na akong itinatago rito sa dibdib ko.’’
“Ikaw kasi bakit hindi mo agad sinabi. Sana noon pa e matagal na tayong kumakain ng pizza.’’

Biglang nagtawa si Gino.

“Oo nga ano, dapat noon pa. Kaso nga wala pa akong lakas ng loob.’’

“Manhid ka rin kasi nun, ha-ha-ha!’’

“Oo nga. Maski hinahalikan mo na ako e hindi pa ako nagre-react.’’

“Gusto mo yata ako pa ang magtatapat.’’

“Hindi naman. Naghahanap lang ako ng tamang panahon.’’

“Pero siguro tayong dalawa talaga ang magkakatuluyan, Gino.’’

“Ba’t mo nasabi?’’

“Basta nararamdaman ko na tayong dalawa. Isa pa, mabait ka sa akin. Marami kang naitulong sa akin.’’

“Kasi mahal din kita kaya ako tumutulong. Ayaw kong makita na nasasaktan  ka.’’

Pinisil ni Gino ang palad ni Eliz.

“Hindi kaya magalit si Manang kapag nalaman na magsiyota tayo?’’

“Ba’t naman magagalit? Baka matuwa pa nga yun.’’

(Itutuloy)

Show comments