Nag-resign na empleyado, may obligasyon bang maghanap ng kapalit?

Dear Attorney,

Nag-resign po ako dala­wang­­ buwan na ang nakararaan at nag-render ako ng thirty days. Hanggang ngayon po ay hindi ko pa nakukuha ang final pay ko dahil ayaw pa akong bigyan­ ng clearance. Hindi raw kasi ako naghintay ng kapalit sa posisyon ko bago ako tuluyang­ umalis sa kompanya kaya hindi­ raw nila ako bibigyan ng clearance­. Tama po ba ang dati kong employer? — Mara

Dear Mara,

Hindi obligasyon ng isang nag-resign na empleyado ang maghanap o maghintay ng kapalit sa kanyang posisyon.

Kung ang empleyado ay nagpaalam sa maayos na paraan ukol sa kanyang pagre-resign at siya ay nag-render ng karam­patang panahon bago siya tuluyang umalis ay walang dapat maging­ isyu may papalit man sa kanyang iniwanang posisyon o wala.

Ang rendering period na kasi ang panahon na ibinibigay ng batas upang makapaghanda ang employer para sa napipintong pag-alis ng nag-resign na empleyado. Hindi na problema ng empleyado kung matapos ang rendering period ay wala pa rin siyang kapalit.

Maaring ireklamo ang employer kung gagawin nitong dahilan­ ang kawalan ng papalit sa nag-resign para hindi pirmahan ang clearance ng empleyado, para hindi ibigay ang kanyang final pay, at iba pang paraan ng panggigipit.

Show comments