Daan-Daang golden retrievers ang nagtipun-tipon kasama ang kanilang mga amo para sa ika-155 anibersaryo ng kanilang dog breed!
Ayon sa nag-organisa ng pagtitipon na The Golden Retriever Club of Scotland, mahigit sa 450 golden retrievers ang dumalo sa event. Nagmula ang mga ito sa iba’t ibang bansa tulad ng United States, Canada, New Zealand, Japan, Australia, Germany, Netherlands, Romania, Czech Republic, Italy, Croatia at Estonia.
Ginanap ang event sa harap ng Guisachan House kung saan ipinanganak ang pinakaunang golden retriever, 155 years ago.
Noong 1868, sinubukang i-breed ni Dudley Majorbanks ang isang Tweed water spaniel at yellow wavy-coated retriever. Doon nagsimula ang breed na golden retriever.
Taon 1913 naman kinilala ng The Kennel Club ang golden retriever bilang isang breed ng aso.