Batas sa kagandahang asal, hindi alam ng mga senador

NAPIPINTASAN ang liderato ni Senate Pres. Miguel Zubiri dahil sa inaasal ng mga senador.

Nagpipigil lang po si Zubiri. Hindi po siya inutil!

Salungat talaga sa pamantayan ng pagiging kapita-pitagan ang inaasal ng mga senador sa harap ng publiko. Am I right o I am right, Sen. Joel Villanueva? Hallelujah!

Ang Executive Order 217 ay nilagdaan ni Pres. Manuel L. Quezon noong 1939. Ang EO 217 ay inakda para sa wastong pag-uugali. Itinuro rin ito sa mga paaralan.

In aid of legislation daw ang ginagawang pagdinig sa senado. Hindi nila dapat binabastos ang pinaghuhugutan nila ng gabay sa paglikha ng batas. Wala na nga kayong stock knowledge, nanlalait pa kayo?

May senador na kinikenkoy ang parliamentary procedures, nagmumura, nagbabanta ng panununtok, naninigaw, nang-iinsulto, nagmamakaawa at lumuluhod. Taliwas sa imahe ng mga kagalang-galang na inihalal ng bayan. Pa-star na sila ngayon! Magpakatao naman kayo!

Kapag hindi nila gusto ang isinasagot ng resource persons, kaagad nilang ipinakukulong sa karsel ng senado. Para bang sinasabi na “maranasan n’yo naman ang dinanas namin”.

Bakit nga ba sila nakulong?

Nakataya sa ginagawa nila ang dignidad, integridad at reputasyon ng senado. Taliwas sa layunin upang maitugma ang kilos, pag-uugali at pamumuhay ng bawat Pilipino ayon sa lilikhain pang mga batas.

Show comments