^

Punto Mo

7 paraan para mapasigla ang utak

DIKLAP - Annabelle O Buenviaje - Pang-masa

1. Mag-Google ng 20 minuto araw-araw. Mag-search ng mga topic na nagbibigay sa iyo ng interes. Ayon sa mga scientist  ng UCLA (University of California Los Angeles) ang bahagi ng utak na hindi naa-activate ng pagbabasa ay maaaring ma-activate sa pamamagitan ng pag-Google searching.

2. Mag-exercise. Ayon sa researchers ng University of Illinois, hindi lang nagiging sharp ang memorya kapag nag-e-exercise kundi naiiwasan ang maagang pagkakaroon ng Alzheimer’s disease. Sapat na ang 50 minutong paglalakad nang mabilis, tatlong beses sa isang linggo.

3. Magsepilyo at mag-floss. Ayon sa British psychiatrist at dentist, ang oral health ay may kaugnayan sa brain health. Mag-floss araw-araw. Patagalin ng 2 minuto ang pagsesepilyo ng ngipin pero gawin ito isang beses sa isang araw. Ang susunod mong pagsesepilyo ay maaaring less than 2 minutes.

4. Limitahan ang pag-inom ng alak. Natuklasan sa pag-aaral na isinagawa ng Wellesly College, nakakaliit daw ng utak ang sobrang pag-inom ng alak. Limitahan ang sarili ng isang tagay lang kada araw.

5. Kumain ng blueberries. Sayang walang ganitong prutas sa Pilipinas. May sustansiyang nakukuha sa blueberry na nakakapagpatalino at nakakapagpatalas ng memorya.

6. Ugaliing sumagot sa mga cross word puzzle. Sinabi ng researchers mula sa University of Alabama na nagiging 10 years younger ang ating utak kapag mahilig mag-cross word puzzle.

7. Magnilay-nilay. Patahimikin ang kalooban at isipan sa loob ng 40 minuto araw-araw. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Massachusetts General Hospital, nakakatulong ito para lumaki ang cortex—ito ang bahagi ng utak na siyang responsable sa ating memorya, pagsasalita at sensory processing. 

vuukle comment

GOOGLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with