^

Punto Mo

EDITORYAL - Pasukan kung ­Hunyo mas mainam ibalik

Pang-masa
EDITORYAL - Pasukan kung ­Hunyo mas mainam ibalik

MARAMI ang may gustong ibalik ang dating school calendar at kabilang dito ang mga magulang at pati na rin mga guro. Katwiran ng mga magulang at guro kaya dapat ibalik ang dating pasukan, masyadong mainit sa classroom kung Abril at Mayo. Kaawa-awa ang mga estudyante at guro sapagkat mistulang oven ang mga classroom. Kahit may electric fan, hindi kaya ang init ng panahon.

Ganito rin ang dahilan kaya mahigpit na isinusulong ngayon sa Kongreso na ibalik ang dating school opening kung Hunyo at magtatapos naman ng Marso. Sa kasalukuyan, ang opening ng klase ay Agosto at nagtatapos ng Mayo ayon sa kautusan ng Department of Education (DepEd) na nagsimula noong school year 2020-2021 makaraan ang konsultasyon.

Subalit ngayong matindi ang nararanasang init, tila hindi angkop na abutin ng Abril at Mayo ang school ­calendar. Maraming estudyante at guro ang magkakasakit kung ipagpapatuloy ang kasalukuyang school calendar. Dapat tingnan ang epekto sa mga mag-aaral.

Gaya nang nangyari sa 145 estudyante sa Occidental Mindoro noong Abril na naospital makaraang mahilo at himatayin dahil sa matinding init sa classroom. Nahirapang huminga ang mga estudyante at may nahimatay. Ang iba ay sumakit ang ulo.

Kasunod ng pangyayaring iyon, mahigit 100 mag-aaral sa Gulod National High School sa Cabuyao City Laguna ang isinugod sa ospital matapos himatayin sa matinding init sa isinagawang fire drill. Hindi umano sinabi sa mga estudyante na magkakaroon ng drill. Nahimatay din ang mga estudyante.

Sa panukalang batas (HB 8550) ni ACT Teachers party-list Representative France Castro, ibabalik sa Hunyo hanggang Marso ang pasukan. Ayon kay Castro, ang School Year 2024-2025 ay magsisimula sa unang Lunes ng Hunyo. Sinabi ni Castro, hindi angkop lalo sa kalusugan ng mga guro at mag-aaral ang pasukan na nagsisimula sa Agosto at matatapos ng Mayo.  Sobrang nakalantad sa matinding init ang mga estudyante at guro sa summer months.

Nararapat nang pag-aralan ang panukala na ibalik sa Hunyo ang pasukan. Nakakaawa naman ang mga estudyante at guro kung nakababad sa init sa classroom. Sa halip na makapag-concentrate ang mga mag-aaral sa kanilang aralin, hindi sila kompor­table dahil sa sobrang init. Wala namang maibigay na electric fan ang DepEd. O kung meron man, hindi rin kayang palamigin ang nagbabagang classroom.

Mainam na ibalik sa dati ang school opening para sa kapakanan ng mga estudyante at mga guro na rin. Mas ligtas at komportable sila sa ganitong opening ng pasukan.

vuukle comment

CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with