MARAMING nagtaas ng kilay nang makabalik si Col. Hansel Marantan bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-National Capital Region (NCR). Bakit? Kasi nga si Marantan ay nag-leave of absence sa kanyang puwesto matapos masangkot ang tropa niya sa kasong paghubad sa 13 Chinese ng mamahaling relos at pitsa.
Ang mga kritiko ni Marantan ay siguradong natuwa sa kahihiyang inabot niya sa pagkatanggal sa CIDG. Dipugaaaaa! Subalit sa ngayon, nakabalik siya na parang walang nangyaring kaso, kahit man lang administratibo. Mismooooo!
Si Marantan ay masasabi kong battle-tested na police official. Sangkatutak ang kanyang accomplishments sa pakikibaka sa kriminal at terorista at nitong huli ay ang kaso laban kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves. Kaya hindi nagdalawang-isip si Justice Secretary Boying Remulla na bigyan si Marantan ng pinakamataas na award sa PNP na Medal of Valor.
Subalit ang nakatatak sa utak ng mga Pinoy sa ngayon ay ang kaso ng 13 Chinese na inaresto ng mga tauhan niya sa Parañaque City sa paglalaro ng mahjong. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Mismooooo!
Sa Senate hearing, tinanong ni Sen. JV Ejercito si Marantan sa mga paratang na nag-uugnay sa kanya at mga tauhan sa alegasyong “hulidap” sa mga Intsik at punto-por-punto namang sinagot ng huli ang mga ito. Sa gitna ng pagkakaroon ng matinding presyon, ginamit ni Marantan ang pagkakataon upang baliktarin ang mga bintang laban sa kanya. At higit sa lahat, idiniin niya na wala namang kaso na nai-file laban sa kanya at mga tauhan sa korte. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nag-ugat ang kaguluhan sa 13 Chinese nang magpahayag si Lt. Gen. Rhodel Sermonia, and DCA o No. 2-man ng PNP patungkol sa pangongotong sa mga biktima. Hindi naman dumaan ang akusasyon ni Sermonia sa tamang proseso o imbestigasyon, ani Marantan. “May kinakampihan ang DCA laban sa aking mga tauhan,” sabi ni Marantan. “Maaari kaming manatili rito kahit isang taon pa, pero wala namang lalabas dahil walang kaso sa lahat,” dagdag pa ni Marantan. Mismooooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ngayong nakabalik na siya sa puwesto bilang hepe ng CIDG-NCR, balik subsob sa trabaho si Marantan para itaguyod ang sinumpaang tungkulin na “maglingkod at magprotekta” sa mga Pinoy, lalo na ‘yung inaaping mahihirap. Lumulutang ang bituin ni Marantan. Isang bituin sa bawat pagkakataon at walang magrereklamo, sigurado ako. Ito ang isang matapang na pulis na dapat na pinanonood o inaabangan.
Marahil sa susunod na pagkakataon, sa halip na nakakairitang mga bubuyog at gamugamo, dadagsa na ang masasaya at may kabutihang-loob na mga testigo sa CIDG upang matulungan siyang malutas pa ang mas maraming krimen. Mismooooo!
Si Marantan, miyembro ng PNPA Class ‘98, ay isang opisyal na nararapat bigyang-pansin na may mabigat na tungkulin na punumpuno ng panganib. Hehehe! Dahil sa kanyang tungkulin, siya ay sinusundan ng mga kritikong tila bubuyog at putakti sa kapaligiran. Abangan!