^

Punto Mo

Single ticketing system, ratsada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayon na ang simula ng pilot implementation ng single ticketing system sa pitong lungsod sa Metro Manila.

Baka kasi malibang ang mga motorista at inaakalang dry run pa rin ito.

Ibig lang sabihin, lahat ng napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) pagaganahin na simula ngayon, bagama’t hindi pa sa lahat ng lungsod kundi sa inisyal na pagpapatupad ay sa pitong siyudad pa lamang.

Ito ay upang matukoy ang anumang lapses o adjustment para maituwid bago tuluyang ipa­implenta sa buong rehiyon.

Sinasabing ang mga motorista ang lubhang makikinabang sa sistemang ito.

Ito ay magiging malaking ginhawa para sa mga motorista dahil sa loob ng sistema, ang 20 pangunahing traffic violations ay may pare-parehong multa, contesting procedures, at digital payment platforms kagaya ng GCash, Maya, at Landbank.

Pwede rin agad na magmulta ‘on the spot’.

Ayon nga sa MMC, malaking bagay ang hindi na kukumpiskahin ang lisensya sa ganitong paraan malalabanan din ang pangingikil o kotong sa lansangan.

Sa ilalim din ng sistema, iisyuhan ang mga traffic enforcers ng body cam na konektado sa command center ng MMDA.

Maitatala nito, ang lahat sa ginawang paghuli ng kanilang enforcers kaya mababawasan din ang mga negosasyon sa panghuhuli.

Sa mga susunod na araw malalaman na ang advantage at disadvantage nito kung meron man at kung ano pa ang dapat plantsahin para maging matagumpay ang pagpapatupad nito.

Kabilang sa mga lungsod na kabilang sa pilot implementation ay ang Maynila, Quezon City, Parañaque, Muntinlupa, Caloocan, Valenzuela, at San Juan.

SINGLE TICKETING SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with